....

....

Thursday, April 11, 2013

SPORTS SPA - PART 2

Pumayag na ako sa offer nila na MVP Massage. Kahit na mahal ay ok lang sa akin. Binagyan naman ako ng allowance ng firm para sa official inspection na ito.

Receptionist: Sir, upo po muna kayo sir, ipapahanda ko lang po yung cubicle nyo at tatawagin ko po yung mga therapist nyo.

Ako: Ok, dito lang ako.

Umupo muna ako sa lounge nila at nagbasa ng FHM. Mga 3 minutes rin ako naghintay. Maya-maya ay lumapit sa akin yung Receptionist.

Receptionist: Sir, OK na po, Sila po yung mga therapist nyo.

Tatlong lalake ang lumapit sa akin. Mga gwapo sila. Magaganda rin ang mga katawan. Parang silang mga model o yun mga sumasali sa bikini competitions. Nagulat ako kasi akala ko mga babae ang masahista. Pero ayus na lang din. Hindi naman ako mapili. Natawa ako ng nakita ko na naka basketball uniform sila- Jersey, basketball shorts pero naka tsinelas lang sila. Medyo OA yung "sports theme" nila. Naka-print din sa harap ng jersey nila ang mga pangalan nila. - ROBI, JOMAR at MICO.

Kinamayan nila ako at binati. Mukhang maayos sila at mapagkakatiwalaan.

Sinamahan nila ako sa cubicle ko nasa bandang dulo. Medyo malaki rin ang cubicle dahil vip room daw yun sabi ni Jomar. Doon daw nila dinadala pag MVP Massage ang gusto ng kliyente. Agad naman ni-lock ni Mico ang pinto. Hinubad nila nag kanilang tsinelas at nilagay sa isang shoe rack. Lumapit si Mico at inalis ang aking leather shoes at medyas. Naupo muna ako sa massage table habang inaayos nila yung sapatos ko.

Robi: Sir, may asawa na po kayo?
Ako: Oo. ,ay anak na rin ako. 1 year old. eh kayo?
Jomar: Meron na rin po kami. Ako po dalawa ang anak. Si Robi at Mico tig isa ang anak nila.
Ako: ilan taon na ba kayo?
Robi: 26 sir ako sila 28

ITUTULOY...



No comments:

Post a Comment